Marcos Regime logo
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation
No Result
View All Result
Marcos Regime logo
No Result
View All Result
Home Marcos News

[ANALYSIS] Hangga’t walang hustisya, bawal mag-move on

September 23, 2022
in Marcos News
[ANALYSIS] Hangga’t walang hustisya, bawal mag-move on

Saktong 50 years na ang lumipas mula noong idineklara ni Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar noong 1972.

Para sa marami, panahon na upang mag-move on ang mga Pilipino. Ito mismo ang ipinanawagan ng ilang politiko.

Sinabi ni Senador Imee Marcos sa isang vlog kung saan kunwari siyang nagbibigay ng love advice: “Hindi mo ikamamatay ang pagsuko, ang pag-move on, o ang pagpapalaya!” Dagdag pa niya, “Ganoon kasi kapag puro nakaraan, nawawalan ka ng kinabukasan!” at “Sabi nga mas mabilis gumaling ang sugat kapag hindi kinakalikot.”

Para naman kay Senador Jinggoy Estrada, “Imagine, President Marcos got the highest number of votes in history – 31 million. ’Di pa ba sapat iyon? Mag-move on na tayo.”

Ayon naman kay Senador Robin Padilla, “Para sa akin, mag-move on na tayo… Kung may kasalanan man ’yung ating dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., hindi po kasalanan ng anak iyon… ’Pag ’di tayo makaalis diyan sa Marcos issue na ’yan at martial law issue na ’yan, kelan pa tayo maggo-grow?”

Maraming maisasagot sa mga politikong ito.

Unang una, ’di ba proud si Senador Imee Marcos sa Batas Militar ng ama? Bakit ipinagpipilitang mag-move on na tayo kung sa tingin nila’y mabuti naman ang idinulot ng diktadura? Inaamin ba nilang may mga pang-aabusong nangyari noon, kaya hinihimok ang taumbayan na kalimutan na lang ang yugtong iyon ng ating kasaysayan?

Ikalawa, hindi puwedeng idaan sa popularity contest ang kasaysayan.

Oo, 31.6 milyon ang botong nakuha ni Marcos Jr. Ngunit hindi naman iyon ang pinakamalaking porsiyentong nakamit ng isang nanalong pangulo. Isa pa, hindi binubura ng 31.6 milyong boto ang katotohanang libo-libong Pilipino ang inaresto, ikinulong, tinortyur, at pinatay.

Ayon sa tala ng Amnesty International, at least 3,240 ang pinatay, 70,000 ang ikinulong, at 34,000 ang tinortyur mula 1972 hanggang 1981. Maraming dokumento at salaysay na ang nagpapatunay noon.

Hindi rin mabubura ng 31.6 milyong boto ang katotohanang pinabagsak ng rehimeng Marcos ang ekonomiya ng Pilipinas. Nag-ugat iyon sa katakot-takot na korupsiyon, talamak na crony capitalism, at sandamukal na utang panlabas na ’di nabayaran ng rehimen at hindi rin naman nagamit sa pagpapaunlad ng buhay ng karamihan ng mga Pilipino.

In short, palpak ang pagpapatakbo ng dating pangulong Marcos sa ekonomiya natin noon.

Ikatlo, bagama’t 15 years old lang si Marcos Jr. noong idineklara ang Batas Militar, nakinabang siya sa mga nakaw na yaman ng kanyang mga magulang – at hanggang sa pagtanda ay patuloy na pinagtakpan ni Marcos Jr. ang mga kasamaang idinulot ng diktadura ng ama.

Halimbawa, ginamit ang kaban ng bayan para sa pagpapaaral kay Marcos Jr. sa Oxford University sa UK kung saan ’di naman siya nagkamit ng degree (special diploma na consolation prize lang kumbaga). Kaban ng bayan din ang ipinambayad sa kanyang pag-aaral sa Wharton School sa Pennsylvania (kung saan ’di rin siya nagtapos).

Si Marcos Jr. din ay itinalagang special assistant to the president noong 1979, at naging bise gobernador siya ng Ilocos Norte noong 1980 sa edad na 23. Noong 1983 naman, naging gobernador siya ng Ilocos Norte.

Noong 1985, itinalaga rin si Marcos Jr. bilang chairman of the board of the Philippine Communications Satellite Corporation (Philcomsat), kung saan ang buwanang suweldo niya ay naglalaro sa $9,700 hanggang $97,000. Ito’y kahit madalang lang siya sa opisina at wala raw masyadong ginagawa roon. Grabe rin sa laki ang sahod niya habang nasasadlak sa krisis ang ekonomiya ng Pilipinas, at ubod ng dami ang naghirap at nagutom.

Panghuli, si Marcos Jr. din ang isa sa tatlong magkakapatid na pinangalangang beneficiaries ng Swiss foundations kung saan inilagak ang milyon-milyong dolyar na nakaw na yaman ni Ferdie at Imelda. Si Marcos Jr. din ang executor ng estate ng kanyang yumaong ama, at hanggang ngayon ay ’di pa niya binabayaran ang P203 bilyong utang sa estate na iyon.

Samakatuwid, hanggang sa pagtanda ay nakinabang si Marcos Jr. sa kapangyarihan at perang nakakabit sa Batas Militar na idineklara ng ama.

Panghuli, inassume ng mga politiko na ’pag mag-move on tayo, mahaharap natin ang kinabukasan at tayo’y lalago, uunlad, at magkakamit ng “growth.”

Ngunit ninakaw nga ng Batas Militar pati ang kinabukasan at kaunlarang ng bansa.

Ipinapakita sa graph sa ibaba na napakabagal ng pagtaas ng average na kita ng Pilipinas (GDP per capita) kumpara sa mga karatig-bansa sa ASEAN.

Noong dekada ’50, nangunguna pa tayo sa rehiyon. Ngunit noong unang termino pa lang ni Marcos bilang pangulo, napag-iwanan na tayo ng Malaysia. Napag-iwanan naman tayo ng Thailand noong dekada ’80.

Mapapansing dekada ’70 pa lang, mabagal na ang pag-unlad natin. Ngunit lalong lumala ang situwasyon noong kalagitnaan ng dekada ’80 kung kailan dumapa ang kita sa Pilipinas, at hindi natin nabawi iyon hanggang 2003. Sa dalawang dekada na iyon, tuloy-tuloy na umuunlad ang mga kabitbahay sa ASEAN. Tayo, bumabawi pa lang sa krisis na idinulot ng diktador.

Kung napaunlad ng nakatatandang Marcos ang ekonomiya – at hindi nangyari ang matinding krisis noong Batas Militar – marahil tayo na ang isa sa pinakamayamang bansa sa ASEAN ngayon. (BASAHIN: Were it not for Marcos, Filipinos today would have been richer)

So hindi lang pala ninakaw ng Marcoses ang kaban ng bayan, kundi pati ang kinabukasan ng ating bayan. Mantakin mo ’yon.

Sa kanyang inauguration speech, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., “I am here not to talk about the past; I am here to tell you about our future.” Noong kampanya naman, unity at reconciliation ang panawagan ng kampo niya.

Magandang pakinggan, ano? Ngunit mas maganda ’yung sinabi ni dating bise presidente Leni Robredo: “Ang unification, ang lahat ng pag-uusap, lagi ’yan naka-base sa justice. Alam natin na meron pa siyang mga hindi pinapanagutan na mga ginawa niya, na mahirap makipagkasundo.”

Oo nga naman. Paano makakamit ang justice kung hanggang ngayon ay hindi humihingi ng tawad ang pamilyang Marcos at ina-acknowledge ang human rights violations ng diktadura?

Paano makakamit ang justice kung hanggang ngayon ay walang miyembro ng pamilyang Marcos o mga cronies nila ang seryosong napaparusahan o napapanagot sa kanilang mga kabulastugan noong Batas Militar?

Paano makakamit ang justice kung hanggang ngayon ay hindi humihingi ng tawad ang pamilyang Marcos sa waldas na paggastos ng pera ng taumbayan sa gitna ng matinding krisis pang-ekonomiya na idinulot din ng rehimen?

Paano makakamit ang justice kung hindi pa rin nagbabayad ng P203 bilyong utang na buwis ang mga Marcos base sa desisyon ng korte noon?

Paano makakamit ang justice kung patuloy na pinagtatakpan pa rin ang kasamaan ng Batas Militar sa pamamagitan ng disinformation networks at mga panawagang mag-move on na lang tayong lahat?

Habang walang hustisya, bawal mag-move on.

Maganda rin ’yung sinabi sa Twitter ni human rights lawyer Atty. Chel Diokno bilang tugon kay Senador Imee Marcos: “Mas mabilis gumaling ang sugat pag ginagamot.” Tama nga naman.

Dagdag pa ni Diokno, “Hindi mo ikamamatay ang pagpapakumbaba.” I see what you did there, sir. – Rappler.com

JC Punongbayan, PhD is an assistant professor at the UP School of Economics. His views are independent of the views of his affiliations. Follow JC on Twitter (@jcpunongbayan) and Usapang Econ (usapangecon.com).

ShareTweetShare

RELATED NEWS

[VIDEO EDITORIAL] Paano ka makakatulog nang mahimbing, Pangulong Marcos?
Marcos News

[VIDEO EDITORIAL] Paano ka makakatulog nang mahimbing, Pangulong Marcos?

January 27, 2023
Philippines surpasses 2022 GDP target | The wRap
Marcos News

Philippines surpasses 2022 GDP target | The wRap

January 26, 2023
The Marcos delegation: Who joins the President’s trips abroad?
Marcos News

The Marcos delegation: Who joins the President’s trips abroad?

January 26, 2023
FACT CHECK: Walang kaugnayan sa ‘listahan ng smugglers’ ang resignation ni Clarita Carlos
Marcos News

FACT CHECK: Walang kaugnayan sa ‘listahan ng smugglers’ ang resignation ni Clarita Carlos

January 25, 2023
Marcos: I only consult the First Lady on legal matters | the wRap
Marcos News

Marcos: I only consult the First Lady on legal matters | the wRap

January 24, 2023
36 Years: Where in the world is President Marcos?
Marcos News

36 Years: Where in the world is President Marcos?

January 24, 2023

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MOST READ

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

August 23, 2022
List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

July 8, 2022
Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

September 5, 2022
‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

July 26, 2022
Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

July 18, 2022
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved

No Result
View All Result
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved