Marcos Regime logo
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation
No Result
View All Result
Marcos Regime logo
No Result
View All Result
Home Marcos News

Bilang pangulo, hindi huhulihin si Marcos sa Amerika dahil sa diplomatic immunity

September 21, 2022
in Marcos News
Bilang pangulo, hindi huhulihin si Marcos sa Amerika dahil sa diplomatic immunity

Mayroong diplomatic immunity ang mga pinuno ng bansa kung kaya’t makapupunta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Amerika nang hindi hinuhuli

Ang sabi-sabi: Hindi makapupunta ng Amerika si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Marka: KULANG SA KONTEKSTO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 1,000 na reaksiyon, 115 na komento, at 73 na share. 

Ang katotohanan: Kung hindi pangulo ng bansa si Marcos at ordinaryong mamamayan lamang, maaari siyang gawaran ng arrest warrant kung bibisita siya sa Amerika dahil sa kinakaharap niyang kaso ng contempt. 

Sinabi ni dating chief justice Maria Lourdes Sereno sa isang Facebook post noong Disyembre 2021 na kalimitan ay naglalabas ang korte ng arrest warrant laban sa taong hinatulan ng contempt upang siya’y hulihin at ikulong hanggang sa masunod nito ang utos ng korte.

Ngunit dahil pangulo ng Pilipinas si Marcos Jr., maaari siyang makapasok sa Amerika nang hindi hinuhuli dahil sa diplomatic immunity na mayroon ang mga pinuno ng bansa.

Nilinaw ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman noong ika-9 ng Hunyo sa isang press conference sa Maynila na maaaring makapasok si Marcos sa Amerika dahil sa immunity na ito.

Hatol ng contempt: Nakasaad sa mga record ng mga korte sa Amerika na hinatulan ng contempt ang pamilyang Marcos dahil sa kanilang paglabag sa utos na nagbabawal galawin ang kanilang mga ari-ariang nakalaan para sa mga biktimang nilabag ang karapatang pantao noong Martial Law. 

Direktang pinangalanan ng nasabing hatol sina Marcos at ang kanyang inang si Imelda, bilang kinatawan ng dating pangulong Ferdinand E. Marcos na siyang pangunahing kinasuhan.

Taong 1995 pa inilabas ang hatol ngunit patuloy itong tinatakbuhan ng pamilyang Marcos. Noong Agosto 2019 ay sinang-ayunan ng korte ng Amerika ang request ng mga biktimang i-extend hanggang sa ika-25 ng Enero 2031 ang hatol ng contempt sa pamilyang Marcos. 

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi binabayaran ng pamilyang Marcos ang hinihingi ng korteng $353.6 milyong halaga ng danyos para sa mga biktima ng Martial Law.  – Ailla Dela Cruz/Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa [email protected] Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

ShareTweetShare

RELATED NEWS

The difference between Duterte and Marcos, according to Diokno
Marcos News

The difference between Duterte and Marcos, according to Diokno

February 3, 2023
LIST: First approved projects of NEDA chaired by Marcos
Marcos News

LIST: First approved projects of NEDA chaired by Marcos

February 3, 2023
FACT CHECK: Video shows Marcos’ toast remarks at Vin d’Honneur
Marcos News

FACT CHECK: Video shows Marcos’ toast remarks at Vin d’Honneur

February 2, 2023
Enrile: ICC ‘interferes so much’ with Philippine affairs | The wRap
Marcos News

Enrile: ICC ‘interferes so much’ with Philippine affairs | The wRap

January 30, 2023
Marcos signs EO containing admin’s economic recovery ‘roadmap’
Marcos News

Marcos signs EO containing admin’s economic recovery ‘roadmap’

January 30, 2023
FACT CHECK: Hindi pa rin malaya si De Lima
Marcos News

FACT CHECK: Hindi pa rin malaya si De Lima

January 30, 2023

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MOST READ

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

August 23, 2022
List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

July 8, 2022
Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

September 5, 2022
‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

July 26, 2022
Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

July 18, 2022
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved

No Result
View All Result
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved