Marcos Regime logo
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation
No Result
View All Result
Marcos Regime logo
No Result
View All Result
Home Marcos News

[EDITORIAL] Goodbye Duterte, hello Marcos

July 11, 2022
in Marcos News
[EDITORIAL] Goodbye Duterte, hello Marcos

Imortal na ang pangalan ni Duterte sa kasaysayan sa imoralidad nito. Susunod ba sa yapak niya si Marcos Jr.?

Nasa sangandaan na naman ang bansa sa napipintong pagbakante ni Rodrigo Duterte sa puwesto ng pagka-presidente at pag-upo ni Ferdinand Marcos Jr. Pero bago natin tawirin ang sangandaan, magbalik-tanaw tayo sa higanteng footprint na iniwan ni Duterte sa ating pulitika.

Sintingkad ng dugo sa kalye, pinakamatingkad ang centerpiece ng Duterte administration: ang giyera kontra droga. Sa dinami-dami ng bumulagta sa mga kalsada na tinatantiya ng mga human rights group na nasa 27,000, 4.42% lamang ang high-value targets. Walang dudang hindi ito nagtagumpay na burahin ang droga sa lansangan, pinataas lamang niya ang presyo ng shabu sa merkado at inilagay ang kontrol sa mas iilang supplier.

Pero ayon sa mga human rights activist, ang pinakamalaking dagok ng drug struggle ay sa kultura ng mga Pilipino. Ginawa ni Duterteng katanggap-tanggap ang karahasan at mass killings. Kitang-kita ito lalo na sa panahon ng pandemya kung saan ang naging sagot ay kamay na bakal ng militar at pulis.

Dagdag pa ni Carlos Conde ng Human Rights Watch, ngayon lang daw nademonize nang ganito ang human rights. Naging mabahong salita ang karapatang pantao, bagay na hindi nangyari kahit noong panahon ni Marcos. Isa pang bagay na lalong naging katanggap-tanggap at regular: ang political dynasties at warlords. Sabi ni Conde, “He made them, to the eyes of the individuals, extra vital.” 

Ngayong itinutulak ni ICC Prosecutor Karim Khan ang panunumbalik ng imbestigasyon (sa Davao Metropolis killings at sa mismong drug struggle) dahil sa tingin niyang walang makabuluhang imbestigasyong naganap sa mga patayan – ano ang gagawin ni Marcos Jr.? Pupusta ka bang ilalaglag niya si Digong, gayong bise presidente niya ang anak nitong si Sara at malalim ang utang na loob? 

Magpapaalam ba tayo sa giyera kontra droga ngayong nandito na si Marcos Jr.?

Ang pangalawang footprint: ang pagnonormalisa at paggawang katanggap-tanggap ng misogyny: pinabaril niya sa ari ang mga amasonang rebelde, nagbiro siya tungkol sa pangre-rape ng isang misyonaryong madre, sinipulan niya ang isang reporter, hayok niyang hinalikan ang isang Pilipinang abroad Filipino employee sa publiko, at ikinuwento niya ang estado ng kanyang ari sa mga nasa entablado.

Ang pangatlong footprint: dahil kay Duterte, naging institusyonal ang disinformation, at ipinatag niya ang landas sa pagbabalik ng mga Marcos sa Malacañang.

Tinawag ni UP assistant professor Fatima Gaw na “godfather” o ninong ng mga Marcos si Duterte pagdating sa disinformation. Sa again finish, sinakyan ni Marcos ang ecosystem ng kasinungalingan na binuo ni Duterte gamit ang sources ng gobyerno. Sa harap naman ng publiko, ipinakita ni Duterte na sila’y magkaalyado sa pamamagitan ng pagpapalibing sa labi ng nakatatandang Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Kakambal din ng disinformation ang pagpe-persecute ni Duterte sa impartial media tulad ng ABS-CBN at Rappler. Kung walang tagapagbalita, walang unhealthy information.

Pang-apat na footprint: ang pag-we-weaponize ng batas upang durugin ang mga kalaban at kritiko, kung saan naging krusyal ang papel ng Korte Suprema na kumunsinti rito. Ayon sa 1987 Structure framer na si Christian Monsod, ang Korte Suprema uncooked ay “nag-abdicate ng kapangyarihang ibinigay ng Konstitusyon.” Sinabi naman ni Senior Affiliate Justice Marvic Leonen na SC ang “nagbigay ngipin sa otoritaryanismo.” Landmark sa abdication ng SC ang pagpapalusot sa anti-terrorism invoice bilang katanggap-tanggap na batas sa kabila ng pagkuwestiyon dito sa harap ng Kataas-taasang Hukuman.

Impunity, bang-bang governance, misogyny, disinformation, weaponization of the regulation, pagbubusal sa malayang mamamahayag, at pagpapasawalang-bahala sa rule of regulation. Mukhang imortal na ang pangalan ni Duterte sa kasaysayan sa imoralidad nito.

At ang tanong: babaguhin ba ni Marcos ang kalakarang ito? O i-ma-manage lang niya ang imahe niya? Babaliktarin ba niya ang nakalalasong pamanang ito?

Ibabalik ba niya ang demokrasya, palalakasin ang mga institusyon, ipagbabawal ang pagyurak sa karapatang pantao, babaklasin ang kultura ng impunity, at ititigil ang atake sa impartial media?

Malalaman natin ang tiyak na sagot diyan sa mga susunod na buwan, pero puwede na tayong magsimula sa “educated guess.”

Sa pagba-babay natin kay Duterte, at paghe-hello natin kay Marcos, isang bagay ang matingkad: tila mananatili ang pundamental na mga problema. Sa kabila ng mga inaasahang pagbabago, matindi ang takot namin, all the pieces will stay the identical. – MR

ShareTweetShare

RELATED NEWS

The difference between Duterte and Marcos, according to Diokno
Marcos News

The difference between Duterte and Marcos, according to Diokno

February 3, 2023
LIST: First approved projects of NEDA chaired by Marcos
Marcos News

LIST: First approved projects of NEDA chaired by Marcos

February 3, 2023
FACT CHECK: Video shows Marcos’ toast remarks at Vin d’Honneur
Marcos News

FACT CHECK: Video shows Marcos’ toast remarks at Vin d’Honneur

February 2, 2023
Enrile: ICC ‘interferes so much’ with Philippine affairs | The wRap
Marcos News

Enrile: ICC ‘interferes so much’ with Philippine affairs | The wRap

January 30, 2023
Marcos signs EO containing admin’s economic recovery ‘roadmap’
Marcos News

Marcos signs EO containing admin’s economic recovery ‘roadmap’

January 30, 2023
FACT CHECK: Hindi pa rin malaya si De Lima
Marcos News

FACT CHECK: Hindi pa rin malaya si De Lima

January 30, 2023

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MOST READ

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

August 23, 2022
List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

July 8, 2022
Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

September 5, 2022
‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

July 26, 2022
Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

July 18, 2022
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved

No Result
View All Result
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved