Marcos Regime logo
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation
No Result
View All Result
Marcos Regime logo
No Result
View All Result
Home Marcos News

[EDITORIAL] Mga tanong kay Marcos sa pangangapitbahay niya

September 5, 2022
in Marcos News
[EDITORIAL] Mga tanong kay Marcos sa pangangapitbahay niya

Maganda mang pakingan ang ‘Friends to all, enemies to none,’ baka hindi ito sapat sa higanteng paghamong hinaharap ni Marcos Jr.

Tumulak na papuntang Jakarta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang unang State Visit sa Indonesia at Singapore. 

“Ako ay mangangapitbahay para sa ating bansa at para sa ating ekonomiya,” sabi ni Marcos bago umalis ng Maynila. Habang para nga lang siyang nangapitbahay dahil hindi madugo ang state visit na ito dahil kapwa mga ASEAN states ang pupuntahan niya – hihimayin ng buong mundo ang bawa’t salita at kilos niya habang nasa abroad. 

Ang Indonesia at Singapore ang soft entry niya sa masalimuot na mundo ng foreign policy. Halimbawa, sa Setyembre, lilipad si Marcos Jr. papuntang US para magsalita sa U.N. General Assembly kung saan maaari niyang makausap sa sidelines ang mga head of state tulad ni US President Joe Biden. Tinanggap na rin niya ang imbitasyon ni President Xi Jinping ng Tsina na bumisita, wala pa nga lang pirming petsa.

Isa-isahin natin ang mga hamong kinakaharap ni Marcos sa larangan ng ugnayang panlabas na nakukulayan ng unique history niya bilang unico hijo ni Ferdinand E. Marcos at Imelda Marcos:

Paano niya ituturing ang US na naghabla at humusga sa ill-gotten wealth o nakaw na yaman ng kanyang pamilya?

Gaano siya kabukas sa US na naglalayong i-secure ang Pilipinas sa “integrated deterence” nito sa Asya laban sa Tsina?

Paano siya sasagot sa mga panghihimok ng US sa mga isyu ng karapatang pantao? Kung maungkat, paano siya tutugon sa panawagang pigilan ang pananalakay sa press freedom, panagutin ang mga arkitekto ng extrajudicial killings, at pagpapalaya sa nakadetineng si dating senador Leila de Lima?

Sa kasaysayan, naging malapit ang mga Marcos sa Tsina, lalo na nang halikan ni Chairman Mao Zedong ang kamay ni Imelda sa pagbisita nito sa Tsina noong 1974. Magiging kalakasan o kahinaan ba ito sa pakikitungo niya sa Beijing?

Categorical na ang bitaw ni Marcos na tutupdin niya ang Hague ruling, hindi tulad ng predecessor na si Rodrigo Duterte na nagwaldas sa makasaysayang panalo. Paano niya gagawin ito?

Sa ilalim ni Marcos, manunumbalik ba ang papel ng Pilipinas bilang lider ng ASEAN at magtutulak ng isang “rules-based international order” na pipigil sa aggression ng Tsina sa South China Sea?

Ang huling tanong ang pinakamatingkad sa agenda na tatalakayin ni Marcos sa pakikipag-usap niya kay Presidente Joko Widodo. (Implied ito sa renewal ng 1997 Agreement on Cooperative Activities in the Field of Defense and Security sa pagitan ng Philippine Department of National Defense at ng Ministry of Defense ng Indonesia.) Malaki rin ang claims ng Indonesia sa South China Sea, at magandang ipasilip ni Marcos sa buong mundo ang asta niya sa isyung ito sa state visit niya. 

“Friends to all, enemies to none,” ‘yan ang pagususuma ni Marcos sa kanyang foreign policy. Sa antas ng big picture, mukhang all the right moves si Marcos Jr.

Pero ika nga, the devil is in the details.

Siya na ang nagsabi: “How do we do that? We talk to China consistently, with a firm voice.” Sa tulong ng isang seasoned at competent na diplomat tulad ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, mukhang may pag-asang matupad ito.

Sa isang Pulse Asia survey nitong Hunyo 2022, tatlo lamang sa 10 Pilipino ang nagtitiwala sa Tsina, habang 9 sa 10 Pilipino ang nagsasabing dapat magtiwala ang Pilipinas sa long-time na kaalyado nitong Estados Unidos.

Limot man o hindi ang paghalik niya sa pisngi ni Chairman Mao – kailangang timbangin ni Marcos ang sentimyento ng mga Pilipino. 

Hindi namin sinasabing maging tuta siya ng mga Kano, pero kung ano mang sentimental na kapit mayroon ang Tsina sa puso ni Marcos – dapat niyang isilid sa baul at humarap sa realidad.

Foreign affairs ang isa sa pinakapalpak na larangan ni Ginoong Duterte na nagpakita na sa bandang huli, hindi kaya ng isang small-town mayor ang pulitika sa pandaigdigang entablado. Mas optimistic ang mga tao na may sapat na sopistikasyon si Marcos Jr. upang hindi mabalahaw rito.

Maganda mang pakingan ang “neutral” na tunog ng “Friends to all, enemies to none,” baka hindi ito sapat sa higanteng paghamong hinaharap ng Pilipinas: may tensiyon sa pagitan ng kapitbahay na Taiwan at Tsina (kung saan stuck pa rin ang Pilipinas sa One-China Policy). May tunggalian sa pagitan ng US at Tsina at nakapulupot din diyan ang interes natin sa West Philippine Sea. Moribund pa rin ang ASEAN sa pagko-contain sa hegemonist tendencies ng Tsina. Dehado pa rin ang Global South sa corporate muscle at interes ng mga taga-Global North pagdating sa climate change.

Pagkakataon na ito ni Marcos Jr. na mag-project na malinaw ang kanyang vision (kung meron) sa geopolitics, at iparinig ang tinig na mahinahon nguni’t hindi magpapabully. – Rappler.com

ShareTweetShare

RELATED NEWS

[VIDEO EDITORIAL] Paano ka makakatulog nang mahimbing, Pangulong Marcos?
Marcos News

[VIDEO EDITORIAL] Paano ka makakatulog nang mahimbing, Pangulong Marcos?

January 27, 2023
Philippines surpasses 2022 GDP target | The wRap
Marcos News

Philippines surpasses 2022 GDP target | The wRap

January 26, 2023
The Marcos delegation: Who joins the President’s trips abroad?
Marcos News

The Marcos delegation: Who joins the President’s trips abroad?

January 26, 2023
FACT CHECK: Walang kaugnayan sa ‘listahan ng smugglers’ ang resignation ni Clarita Carlos
Marcos News

FACT CHECK: Walang kaugnayan sa ‘listahan ng smugglers’ ang resignation ni Clarita Carlos

January 25, 2023
Marcos: I only consult the First Lady on legal matters | the wRap
Marcos News

Marcos: I only consult the First Lady on legal matters | the wRap

January 24, 2023
36 Years: Where in the world is President Marcos?
Marcos News

36 Years: Where in the world is President Marcos?

January 24, 2023

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MOST READ

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

August 23, 2022
List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

July 8, 2022
Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

September 5, 2022
‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

July 26, 2022
Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

July 18, 2022
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved

No Result
View All Result
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved