Marcos Regime logo
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation
No Result
View All Result
Marcos Regime logo
No Result
View All Result
Home Marcos News

[EDITORIAL] Sandaang araw ni Marcos: ‘Delivering the bare minimum’

October 10, 2022
in Marcos News
[EDITORIAL] Sandaang araw ni Marcos: ‘Delivering the bare minimum’

Master ba talaga si Marcos ng macro-economics ng pananalapi at pagkain?

Matapos ang panunungkulan ni President Rodrigo Duterte, parang University of the Philippines men’s basketball ang naging slogan ng bayan: Nowhere to go but up.

Ayon nga sa must-read na artikulo ni Glenda Gloria, hindi lang pinataba at pinadulas ng dating presidente ang burukrasya, pinababa niya ang antas ng propesyonalismo sa “kindergarten level.” Andiyan ang Pharmally scandal at ang napabalitang  P100 bilyong “kitty” na hiningi ni Duterte sa budget department ilang buwan bago ang eleksiyon.

Sabi pa ni Gloria: Sa ilalim ni Duterte naghari ang mga padrino, sumikat ang mga incompetent, hindi mahalaga ang merit, at nagantimpalaan ang mga burara. Siyempre, ito rin ang administrasyong nagpabaha ng dugo sa mga lansangan.

Talaga namang wala nang ihahandusay pa, pataas na lang ang natitirang direksiyon.

Pasadahan natin ang mga papuri kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (at kayo na ang magpasya.)

Sabi ni Speaker Martin Romualdez, major accomplishment ang pagbuo ng isang proposed budget.Sabi rin ni Romualdez, papasok na ang foreign direct investments matapos ang blitz ng Pangulo sa international community.Ayon naman kay dating pangulong Gloria Arroyo, naipuwesto niya rin ang mahusay na economic team. (At least sa papel, ang ganda naman talaga ng resumé nila. Babalikan natin ang aktuwal na nagawa nila mamaya.)Pagresponde sa kalamidad – ayon sa Pulse Asia survey, isa ito sa pinakamataas na public approval para kay Marcos Jr.Pagtatangol sa teritoryo ng bansa – maganda ang naging pagtanggap sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly kung saan ipinagtanggol niya ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).Para naman kay Sara Duterte, accomplishment daw niya ang pagbabalik ng face-to-face classes.

Sabi mismo ni Marcos, nakumpuni niya ang isang gobyernong umaandar o “functional.” Ang hirap naman kapag ang baseline ay si Duterte, na sa totoo lang ay sukdulan ang kainutilan sa harap ng pandemya.

Pumunta naman tayo sa mga kritiko.

Hindi raw accomplishment ang maging functional, ito raw ay bare minimum. Ang pinakamahalagang tanong: natugunan ba niya ang pinakakagyat na problema? Himayin natin.

Tumataas ang presyo ng bilihin o inflation at naitala ang pinakamahinang piso sa kasaysayan. 9 sa 10 estudyante edad 10 taon ay hirap na hirap magbasa ng simpleng teksto – pero ang pokus ng legislative agenda ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ay sapilitang ROTC. Aayusin daw niya ang edukasyon kung bibigyan siya ng P100 bilyong budget – pero ang hindi malinaw ay kung paano nga niya gagawin ito. Siguro mas basic ang tanong: Gagap ba niya ang problema ng edukasyon sa bansa tulad ng nakahihiyang antas ng reading comprehension?Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), walang nabanggit si Marcos Jr. sa pagtataas ng sahod, pagwawakas sa contractualization, walang balita sa pagpapatuloy ng genuine agrarian reform, kung pananatiliin ba niya ang Rice Liberalization Law, at kung may kongkretong plano sa pangangalaga sa karapatang pantao.Mismong tinukoy ni Marcos Jr. ang agrikultura bilang pinakaproblemadong sektor, kaya nga siya ang naupo bilang kalihim. Pero ano ang kongkretong nasimulang iresolba? Papaano na ang pangakong “food sovereignty” sa harap ng shortage sa food production tulad ng asukal? Hindi ba talaga mag-aangkat ng batayang produkto tulad ng bigas, asukal, at white onions kung nakukuba naman ang mga mamimili sa batayang halaga ng pagkain dahil sa domino effect ng mga shortage? (Sabi rin kasi ng mga eksperto maaaring magkaroon ng rice shortage sa katapusan ng 2022.) Ginoong Marcos, baka kailangan na talaga ng full-time na agriculture secretary?

Kaya’t malaking tanong, master ba talaga ni Marcos (sampu ng mga experts) ang macro-economics ng pananalapi at pagkain?

Ano ang verdict ng taumbayan? Habang okay sila sa 11 sa 13 national concerns na tinugunan ni Marcos Jr., bagsak ang scorecard niya sa pagpapababa ng inflation at kahirapan, ayon sa isang Pulse Asia survey.

Sa larangan naman ng pamumuno, malinaw naman sa lahat na ang isang Marcos presidency ay magiging isang family affair. Andiyan ang pagsingit sa delegasyon niya sa abroad sa anak na si Sandro Marcos na hindi naman key manager ng bansa. Sa optics, andiyan ang House Speaker na pinsan, habang senadora si Ate Imee. Andiyan ang napababalitang pagkontrol ng kampo ng asawang si Liza Araneta Marcos ng mga key appointments. Ibinoto siya ng 31 milyon dahil gusto nilang ibalik ang Camelot, ‘di ba?  

Siyempre ang isang Marcos family affair ay magiging hitik ng party at travel. Siya nga raw ang pinakanaglakbay na presidente ng Pilipinas. Formula One? Check. Private time? Check. Hindi naman tuluyang mabubura ang mismong pagsasalarawan ng kanyang amang si Ferdinand na “carefree and lazy” siya, di ba? ‘Yan ba ang naaninag natin sa Singapore? 🥴

Sabi nga ni dating chief justice Lucas Bersamin na ngayo’y Executive Secretary na, exempt from standards si Presidente… er… dahil covered naman daw ng batas ang gastos ng Unang Pamilya. Para kay John Nery ng Rappler, isa itong “violence to the constitutional principle of accountability.”

Ekis sa accountability. Ekis sa pagpapalakad ng ekonomiya. Tila ekis din, ayon sa social media netizens, sa prayoridad niya bilang pinuno.

Pero eto ang tiyak natin, tulad ng sinabi ng isang supporter na nag-uumapaw sa tuwa sa delivery ni Marcos Jr. ng talumpati noong SONA: well memorized daw ang speech. Itinuwid ito ng isa pang supporter na nagkomentong may teleprompter si Presidente.

Maliban sa pagiging “nice guy,” magaling talaga si Presidente sumunod sa script, di tulad ng sinundan niya na, inay ko po, ang daming paligoy-ligoy.

Ang tanong ay kaninong speech ang susundan? Ayon sa mga ulat, maraming paksiyong umeeksena upang makuha ang atensiyon ng Pangulo at hindi natutuwa sa sobrang impluwensiya ng kanyang maybahay. Mayroon pang nagsasabing “parang figurehead” lang siya. “Smoke and mirrors” lang daw. Samakatuwid, wala pang malinaw na pinahiwatig sa atin ang unang ‘sandaang araw ni Marcos Jr.

Abangan ang susunod na kabanata! – Rappler.com

ShareTweetShare

RELATED NEWS

[VIDEO EDITORIAL] Paano ka makakatulog nang mahimbing, Pangulong Marcos?
Marcos News

[VIDEO EDITORIAL] Paano ka makakatulog nang mahimbing, Pangulong Marcos?

January 27, 2023
Philippines surpasses 2022 GDP target | The wRap
Marcos News

Philippines surpasses 2022 GDP target | The wRap

January 26, 2023
The Marcos delegation: Who joins the President’s trips abroad?
Marcos News

The Marcos delegation: Who joins the President’s trips abroad?

January 26, 2023
FACT CHECK: Walang kaugnayan sa ‘listahan ng smugglers’ ang resignation ni Clarita Carlos
Marcos News

FACT CHECK: Walang kaugnayan sa ‘listahan ng smugglers’ ang resignation ni Clarita Carlos

January 25, 2023
Marcos: I only consult the First Lady on legal matters | the wRap
Marcos News

Marcos: I only consult the First Lady on legal matters | the wRap

January 24, 2023
36 Years: Where in the world is President Marcos?
Marcos News

36 Years: Where in the world is President Marcos?

January 24, 2023

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MOST READ

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

August 23, 2022
List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

July 8, 2022
Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

September 5, 2022
‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

July 26, 2022
Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

July 18, 2022
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved

No Result
View All Result
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved