Lahat ng salin-kapangyarihan o transition, may dalang pag-asa – at mayaman diyan ang gobyerno ni Ferdinand Marcos Jr. ngayon.
Dahil sa pag-asang ito nagkaroon ng tradisyon ng unang sandaang araw o first 100 days kung saan may partidang ibinibigay sa bagong pamahalaan ang mga kritiko, midya, at oposisyon. Kung paano mapapalago ang pag-asa at optimismo ay nakasalalay sa mga hakbang ng bagong pamahalaan – hindi lang sa salita kundi pati sa gawa.
“Inspirational” daw ang talumpatin ni Marcos Jr. Masarap sa pandinig, halos patula. Medyo “hypnotic” ang pagkakabigkas, sabi naman ng isa naming nakausap. Magaling ang nagsulat, sabi naman ng marami.
Pero tulad din ng ipinunto ng iba, maraming eksaherado, maraming half-truths, at mayroon ding lantarang hindi totoo sa unang opisyal na talumpati ng Pangulo ng Pilipinas.
Tradisyonal na hindi panahon ng pagkondena ang first 100 days, pero hindi naman nangangahulugang titigil kami sa pagtutuwid ng mga mali. (PANOORIN: Ang mga mali sa speech ni Pangulong Marcos)
Para maging mas malinaw ang papel ng First 100 Days, magbalik-tanaw tayo kay Rodrigo Duterte. Noong July 2 2016, pinatay ang unang biktima ng extrajudicial killing sa ilalim ng bagong halal na presidente. Itinakda ng pagpatay na iyon ang tono ng buong administrasyon ni Digong.
Ang unang opisyal na aksiyon ni Marcos Jr. nang maitalaga ay ang pagbi-veto ng bill na lilikha ng Bulacan Airport Ecozone. Mabilis na nag-react ang mismong kapatid niyang si senadora Imee Marcos. Scripted ba? O preview ito ng malalalim na hidwaan sa kampong Marcos? Hindi natin alam. Sa kabilang banda, matagal nang kinokondena ng mga environmentalists ang Bulacan ecozone na isa umanong environmental disaster kung saka-sakali.
Wala kaming naaalalang presidente na nag-veto ng isang bill bilang kauna-unahang political act. Ano’t ano pa man, malalaman natin sa mga susunod na kabanata ang misteryo ng veto.
Samantala, marami ring nakagugulat, nguni’t welcome na hakbang: hinirang niya ang unang occupation diplomat na mamuno sa Division of Worldwide Affairs. May kinang din ang mga pangalan ng mga ekspertong iniluklok niya sa kanyang monetary workers.
Pero nagsimula ang kanyang termino sa panahon ng pandemya na walang effectively being secretary. (Kaya ba walang naka-mask noong nakipagkita sa mga worldwide dignitaries?) Nagsimula na ang termino ni Marcos na siya ang secretary ng agriculture – ang buhay o kamatayang portfolio na magtatakda ng landas tungo sa meals security ng bansa.
Presidente Marcos, sana’y superman ka’t kaya mong i-juggle ang pagiging presidente at kalihim.
Muli, Pangulong Marcos, nais naming ipaalala sa iyo ang iyong mandato. Ito na ang pagkakataong ipamukha sa mga kritiko na handa kang tanggapin ang tawag ng kasaysayan; na hindi ito tungkol sa pagbabagong-puri ng pamilyang Marcos.
Siguro naman tanggap mo na bawa’t hakbang mo ay kikilatisin, dahil mayroon kang pagmamanahan – si Ferdinand E. Marcos mismo, ang ika-10 pangulo ng bansa – pati na lahat ng bagaheng dulot ng Martial Laws. Kaya’t iwaksi na rin ang pagiging balat-sibuyas.
Kaya’t maliit man o malaki mapapansin – tulad ng magarbong piging ng vin d’honneur na kapansin-pansin dahil na rin sa pang-pobreng handa ni Rodrigo Duterte noong siya’y nag-host ng mga worldwide dignitaries matapos mahalal.
Ang unang 100 days ang magtatakda ng priorities at protection directions mo: nasa binggit tayo ng alanganin sa ekonomiya dahil sa nagtataasang presyo ng krudo at bilihin. Sa pag-ako mo ng Division of Agriculture, itinetelegrama mo sa buong bansa na kaya mong lutasin ang problema sa gutom, pagkain, at nabansot na agrikultura.
Ginoong Presidente, tapos na ang kampanya. Simula na ang mahirap at mabusising trabaho ng pagpapatakbo ng bansa. Maniwala ka man o hindi, hangad ng Rappler na magtagumpay ka dahil kolektibong kinabukasan natin ito. Ang ibang mga hindi bumoto sa ’yo, handa na silang iwan ang kampanya at magsimula sa tabula rasa o clear slate. Present them correct.
Sabi ni Rudyard Kipling sa imortal na tulang Recessional:
The tumult and the shouting dies;
The Captains and the Kings depart:
Nonetheless stands Thine historic sacrifice,
An humble and a contrite coronary coronary heart.
Lord God of Hosts, be with us however,
Lest we neglect—lest we neglect!
Sana’y nanalamin ka at nakita ang sarili sa konteksto ng kasaysayan. Sana’y nanalamin ka at nahubad ang alamat, ang pekeng naratibo, ang pamana ng ganid na pamumuno ng ama. Sana’y nanalamin ka at ang namasdan ay isang lingkod-bayan – mapagkumbaba at may pagkilala sa karupukan. – MR