Marcos Regime logo
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation
No Result
View All Result
Marcos Regime logo
No Result
View All Result
Home Marcos News

FACT CHECK: Walang kaugnayan sa ‘listahan ng smugglers’ ang resignation ni Clarita Carlos

January 25, 2023
in Marcos News
FACT CHECK: Walang kaugnayan sa ‘listahan ng smugglers’ ang resignation ni Clarita Carlos

Hindi na nakikita ni UP professor Clarita Carlos na dapat pa siyang magpatuloy bilang national security adviser, kung kaya’t lumipat na lamang siya sa research department ng Kongreso

Ang sabi-sabi: Ibinigay raw ni dating national security adviser (NSA) Clarita Carlos ang listahan ng mga smuggler ng sibuyas, asukal, at iba pa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngunit wala itong ginawa dahil sa ang mga ito’y kaibigan niya umano. Iniuugnay ito sa pagbitiw ni Carlos sa kanyang puwesto. 

Sinabi sa video na pinamagatang “PBBM nagsalita na sa wakas! Calrita Carlos hind na masaya sa gobyerno? Sm*gglers BFF di umano ng Pres!”: “Ito ang nakakagulat. National Security Adviser Clarita Carlos mayroon palang hindi umano ay binigay na mga listahan ng mga pangalan ng smugglers sa sibuyas, asukal, at iba pa, pero wala raw ginawa si PBBM. Napag-alaman umanong itong mga smugglers ay kaibigan ni PBBM.”

Marka: HINDI TOTOO

Bakit kailangang i-fact-check: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 12,000 views sa kasalukuyan. 

Ang katotohanan: Sa mga panayam at opisyal na pahayag kaugnay ng pagbitiw ni Carlos sa puwesto, walang pagbanggit sa umano’y listahan ng mga smugglers na ibinigay ni Carlos kay Marcos. 

Wala ring balita hinggil dito mula sa mga kilalang news outlet gaya ng GMA, ABS, TV5, CNN, Inquirer, Manila Bulletin, Philstar, at Rappler. 

Ang dahilang tinukoy ni Carlos sa kanyang pagbaba sa puwesto ay hindi na niya nakikitang dapat pa siyang magpatuloy bilang tagapayo ng Pangulo, kung kaya’t lumipat na lamang siya sa ibang ahensiya kung saan magagamit ang kanyang kaalaman sa paggawa ng polisiya.

Sa kanyang mga naging panayam sa Teleradyo noong Enero 16, sinabi niyang masaya siyang lilipat sa Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) dahil akma ang trabaho rito sa kanyang kakayanan sa paggawa ng polisiya. 

“Happy ako na lilipat ako sa trabaho na talagang akma sa expertise ko,” pahayag ni Carlos matapos sabihing lilipat siya sa CPBRD. Ito’y dahil wala sa kanya, aniya, ang ni isa sa tatlong kuwalipikasyong kailangan upang maging NSA. 

Sa kanyang mga naging panayam sa TeleRadyo, CNN, at sa Tune In kay Tunying kanya ring nabanggit na mayroong “forces” na gusto siyang mapaalis simula pa noong umpisa ng kanyang termino. 

Itinanggi naman ito ni Marcos noong Enero 20 at sinabing naniniwala siyang walang planong paalisin si Carlos mula sa kanyang puwesto. Sinabi ng Pangulo na sa tingin niya’y hindi nagustuhan ni Carlos ang pagiging NSA, na hindi raw nakagugulat dahil think tank ang pinanggalingan niya. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com

Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa [email protected] Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.

ShareTweetShare

RELATED NEWS

The difference between Duterte and Marcos, according to Diokno
Marcos News

The difference between Duterte and Marcos, according to Diokno

February 3, 2023
LIST: First approved projects of NEDA chaired by Marcos
Marcos News

LIST: First approved projects of NEDA chaired by Marcos

February 3, 2023
FACT CHECK: Video shows Marcos’ toast remarks at Vin d’Honneur
Marcos News

FACT CHECK: Video shows Marcos’ toast remarks at Vin d’Honneur

February 2, 2023
Enrile: ICC ‘interferes so much’ with Philippine affairs | The wRap
Marcos News

Enrile: ICC ‘interferes so much’ with Philippine affairs | The wRap

January 30, 2023
Marcos signs EO containing admin’s economic recovery ‘roadmap’
Marcos News

Marcos signs EO containing admin’s economic recovery ‘roadmap’

January 30, 2023
FACT CHECK: Hindi pa rin malaya si De Lima
Marcos News

FACT CHECK: Hindi pa rin malaya si De Lima

January 30, 2023

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

MOST READ

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

Beyond the Stories: Bakit may problema sa supply ng asukal sa Pilipinas? 

August 23, 2022
List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

List of 100+ Alarming Disinformation YouTube Channels in the Philippines

July 8, 2022
Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

Marcos vloggers are fighting. Here’s why.

September 5, 2022
‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

‘Added burden to students,’ groups warn Marcos on mandatory ROTC

July 26, 2022
Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

Marcos picks former LRTA chief Mel Robles for PCSO general manager

July 18, 2022
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved

No Result
View All Result
  • Home
  • Marcos News
  • Disinformation

Copyright © Marcos Regime | All Rights Reserved